Latest News‎ > ‎

BCES 2nd Runner Up sa City Meet 2009

posted May 12, 2011, 7:01 PM by Melinda Duran

“Hindi lang pang academics, pang sports pa!” Iyan ang puno nang kagalakang pahayag ng ating punung-guro na si Gng. Agnes O. Magdalera nakaraang makamit ng ating paaralan ang Over-All Second Runner Up sa ginanap na City Meet noong ika-12 hanggang 14 ng Disyembre 2009.

 Dinomina ng ating mga manlalaro sa track ang halos lahat ng event. Nagwagi ang ating mga pambato na sina Princess Claire Gonzales, Gelli Isip, Annie Monica Isip, Edward Santos, Joemari Amio sa 100, 200, 400 at 1, 500 m run

Hindi rin naman nagpahuli sa field event ang mga atleta natin na sina Shara Mae Picardal, Ella May Pabionar at Roly Jude Rulona.

 Maging sa 4 x 100 m relay ay nanguna ang ating mga babaeng atleta at pumangalawa naman ang mga lalaki.

 “Sa patuloy at araw-araw naming pagsasanay at siyempre sa paggabay ng aming mga coaches na sina Gng. Mary Grace C. Sobiano at Gng. Anecia L. Rapiz, nakamit naming ang minimithi naming tagumpay,” masayang pahayag ni Princess Claire Gonzales.

 Ang higit pang magandang balita ay ang pag-usad ng tatlo nating atletang sina Gelli Isip, Annie Monica Isip at Ella Mae Pabionar sa Central Luzon Regional Athletic Association Meet (CLRAA) na gaganapin sa Pebrero sa Bulacan.

Comments