Latest News‎ > ‎

BCES Lumahok sa 2nd Star Scout Day Camp

posted May 19, 2011, 4:33 PM by Melinda Duran

            

Nakilahok ang pito nating Star Scout at ang kanilang group leader na si Gng. Anecia L. Rapiz at ang assistant leader na si Gng. Amalia Mananquil sa Star Scout Day Camp noong ika-23 ng Oktubre sa Bataan People’s Center na may temang “Girls World-Wide Say: Empowering girls will change the world.”

            Ito ang pangalawang Provincial Star Scout Day Camp na nilahukan ng mga Star Scouts sa buong lalawigan ng Bataan.

            Hindi nagging hadlang ang masamang panahon upang mag-enjoy at matuto an gating mga munting scouts. Nagkaroon sila ng iba’t-ibang Gawain para sa Arts & Craft kung saan gumawa sila ng Christmas Card.

            Mayroon ding Wellness Day kung saan naghanda sila ng Fresh Fruit Salad at ang pinakapaborito ng lahat ay Jiggle It kung saan ang bawat District School ay naghanda ng sayaw.

    
Comments