Latest News‎ > ‎

Boses ng Paaralan

posted Nov 27, 2012, 6:49 PM by Melinda Duran

 

Isang masayang pagbati mga kapwa ko mag-aaral. Naging napakamakulay ng isang taong pagiging punung-patnugot ng Ang Luntian. Tanggapin ninyo ang aking taos-pusong pasasalamat.

Ngunit bago ako magpaalam nais ko munang papurihan ang mga sumusunod. 

·    Saludo po kami sa pamunuan ng General PTA ng ating paaralan sa napakaraming proyektong kanilang pinangunahan. Una na rito ang pagpapa tiles ng ating kantina na ngayon ay kaaya-aya nang pagmasdan. Napaayos din ang ating washing area na isa sa mga pangunahing proyekto ng  Kagawaran ng Edukasyon. Maraming-marami pong salamat, lalo’t higit sa pangulo nito na si Gng. Nerissa Ingaran

·    Lubos din po ang aming pasasalamat sa NICAP Construction sa pangunguna ni G. Romeo L.Caparaz na walang sawang sumusuporta at tumutugon sa pangangailangan ng ating paaralan. Pinakabago na nga rito ang pangunguna nila sa pagpapaputol ng mga matatandang punong nara sa ating paaralan na nagdudulot ng panganib sa panahon ng tag-ulan. Tanggapin po ninyo ang aming walang hanggang pasasalamat.

·    Papuri din po sa ating punung-guro na si Bb. Ellen C. Macaraeg dahil aming napatunayan na laging nasa unahan ng bawat disesyong  kanyang ginagawa ang kapakanan ng bawat mag-aaral sa ating munting paaralan. Maraming salamat po,ma’am!

·    At sa lahat ng aking kamag-aral salamat sa lahat lahat.Napakalaking bahagi kayo ng aking anim na taong paggugol ko sa ating inang paaralan.

·    Syempre di ko rin kalilimutan ang mga guro ko na humubog sa akin at walang pagal na nagturo ng kagandahang asal. Hats Off po sa inyong lahat. panatilihin ang kalinisan.

 

 

 

 

Comments