Latest News‎ > ‎

Edukasyon at Kalusugan, Magkaugnay

posted Nov 27, 2012, 5:34 PM by Melinda Duran

Nagdaos ng isang School Echo-Seminar on Bridging the Gaps in Health education Through Integrated School Health and Nutrition Program ang Bo. Central Elementary School noong ika -6 ng Marso sa pangunguna ni Gng. Gay G. Caparaz na ating Health Coordinator.

Nagsilbing “eye-opener” sa mga guro ang naturang seminar sa kahalagahan nang pagkakaroon ng malinis na tubig, palikuran at wastong pangangalaga sa sarili (personal hygiene) ng mga mag-aaral upang maging handa sa pag-aaral batay sa datos na nakuha ng DOH at DepEd sa kaugnayan ng kalusugan at edukasyon

Binigyang diin  din sa  nabanggit na          SLAC       ang importansya       ng     oral hygiene sa mga mag-aaral. Kaya ninanais ng ating Dibisyon na maglaan ng oras ng pagsesepilyo ng ngipin ang mga bata sa bawat klase.

          “Tunay na di mapaghiwalay ang edukasyon at kalinisan, ang bawat isa ay konektado sa isa. Kaya nararapat lamang na atin ding ituro ang pangangalaga sa katawan sa ating mga mag-aaral,” hamon ni Gng. Caparaz sa mga guro ng BCES.

Comments