Latest News‎ > ‎

Fund Raising Drive, Pinangunahan ng GPTA ng BCES

posted Dec 29, 2011, 1:55 AM by Melinda Duran

    
                    Upang higit na matugunan ang mga pangangailangan ng paaralan, naglunsad ang General PTA Officers ng ating paaralan ng isang fund-raising drive na tinawag na “Search for Mr. & Ms. Bo. Central 2011” noong Agosto, kung saan ang bawat grade level, kasama ang kindergarten ay may isang pares ng kandidato.

                    Ang mga kandidato at kandidata ay magpupursiging magbenta ng tiket na nagkakahalagang P20 ang isa at P400 naman bawat booklet.

             Mayroong dalawang canvassing ang nasabing fund-raising, noong Oktubre 14 ang una at ang paunang likom ng proyekto ay nagkakahalagang P15,020 at ang 2nd at last canvassing ay gaganapin sa ika-9 ng Disyembre kung saan inaasahang ibubuhos ng bawat kandidato ang lahat ng possible paraan upang magwagi at tanghaling Mr. & Ms. Bo. Central 2011.

                                Tunay na aming susuportahan ang paaralan sa lahat ng layunin nito dahil alam naming ang anumang plano nito ay higit sa lahat para sa aming mga anak na nag-aaral sa paaralang ito,” positibong pahayag ni Gng. Nerissa Ingaran, Pangulo ng General PTA.

                                   Gaganapin ang koronasyon ng mga tatanghaling Mr. & Ms. Bo. Central sa Enero ng darating na taon at itataon sa pagdiriwang ng gabi ng Bo. Central ES bilang bahagi ng kapistahan ng ating barangay.        

                         “Nakatutuwa na ang mga magulang ang nagkukusang tulungan ang ating paaralan upang matugunan ang iba nating pangangailangan,” nasisiyahang wika naman ng ating punung-guro na si Bb. Ellen Macaraeg.

                                “Nakatutuwa na ang mga magulang ang nagkukusang tulungan      ang     ating paaralan upang matugunan ang iba nating pangangailangan,” nasisiyahang wika naman ng ating punung-guro na si Bb. Ellen Macaraeg.

                                  Narito ang mga listahan ng mga opisyal na kandidato at kandidata sa Search for Mr. & Ms. Bo. Central 2011.

 

Pre-Elem-Zander Llamado & Mary Rose Adan, Grade I-Audryn Josh Ingaran & Stephanie Nicole Jordan  Grade II-John Christian Tuazon &  Aira Mikaela Aguirre, Grade III- Dexter Lañojan & Monica Lynmar Magdalera, Grade IV-Lorengco Cabada & Angela Mae Cabildo, Grade V-Arjay Liquiran &  Donnalen Baret, Grade VI-Billy Joe Celis & Marianne Faith Rapiz

 

 

 

Comments