Latest News‎ > ‎

Gng. Glenn Joy S. Guila, kampeon sa Makatang Pagtula

posted Dec 29, 2011, 12:28 AM by Melinda Duran
               

                    Itinanghal na kampeon sa Makatang Pagtula ang ating pambatong guro na si Gng. Glenn Joy S. Guila, guro sa VI-2 sa ginanap na Division Finals ng nasabing paligsahan noong Oktubre 21, 2011 sa Friendship Hall ng Balanga Elementary School.

                Buong husay na binigkas ni Gng. Guila ang piyesang Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo sa harap ng mga hurado at mga piling manonood.

                Nanaig ang galing ni Ma’am Glenn Joy sa anim niyang katunggali mula sa District I at District II ng ating dibisyon.

                “Lahat    sila     ay mahuhusay. Di ko talaga akalain na ako ang tatanghaling panalo,” masayang wika ni Gng. Guila.

                Matatandaang kampeon din si Gng. Glenn Joy Guila sa District Contest na ginanap sa Cupang Elementary School noong ika-18 ng Oktubre, kung saan kanya namang nadaig ang siyam na katunggali sa mga paaralan ng ikalawang distrito.

                Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan naman ng ating makatang pambato ang gaganaping Regional Contest na gaganapin sa Angeles City sa darating na ika-9 ng Disyembre.

 

Comments