Latest News‎ > ‎

Gng. MARY GRACE SOBIANO, Makatang Guro ng District II

posted May 19, 2011, 3:28 AM by Melinda Duran

            Tinanghal na Gurong Makata ng Ikalawang Distrito ng Dibisyon ng Lungsod ng Balanga ang ating guro ng unang baitang na si Gng. Mary Grace C. Sobiano sa nakaraang paligsahan para sa Makatang Guro noong Oktubre 20 sa Cupang Elementary School.

            Masusi niyang pinili ang piyesa at talaga namang binigyan niya ng napakagandang kahulugan ang tulang pinamagatang “Pilipinas” na isinulat ni Jose Nolledo.

            “Talaga namang kinakabahan ako dahil noon lamang ako lumaban sa ganoong paligsahan. Pero dahil dala ko ang karangalan ng ating paaralan, pinagbuti ko talaga,” wika ni Gng. Mary Grace Sobiano.

            “Sobrang saya ko ng in-announce na ako nga ang nanalo. Hindi ko makakalimutan iyon,” dagdag pa niya.

            Panghuling bumigkas ng tula si Gng. Sobiano at nanaig nga ang kanyang galing sa kanayang mga katunggali.

            Lumahok din si G. Romeo R. Agusin Jr. sa Malikhaing Pagkukwuwento.  

Comments