Latest News‎ > ‎

K Channel na kami!!

posted May 12, 2011, 7:02 PM by Melinda Duran

Ginanap ang simbolikong knowlegde Channel ceremonial turn-over sa apat na paaralang recipient kabilang ang ating paaralan sa Friendship Hall sa Balanga Integrated School noong ika-18 ng Agosto.
            Naging pangunahing panauhin si Gng. Rina Lopez-Bautista na siyang tagapagtaguyod ng Knowledge Channel at ang kanilang benefactor na Philip Morris sa pangunguna ng kanilang Managing Director na si G. Christopher Nelson.
            Naroroon din sa nasabing pagdiriwang ang ating mahal na gobernador Kgg. Enrique "Tet" Garcia na ipinagmalaki sa mga bisita ang resulta ng nakaraang National Achievement Test kung saan nanguna ang ating lalawigan.
            Samantala nakahabol naman ang ating Punong Lungsod na si Kgg. Jose Enrique "Joet" Garcia III na tunay na pinatunayang ang pangunahing proyekto sa ating lungsod ay ang edukasyon upang matamo ang "World Class University Town" sa taong 2020 na magiging posible sa pagtutulungan ng lahat lalo't higit kung may kaagapay ng media na tunay na may malaking impluwensiya sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Comments